you're reading...
Campus, Events, Lifestyle, Mae Valdez

“Pitong Sundang”: Sining na makabayan


Maraming estudyante ang nakapila noong gabi ng ika-29 ng Nobyembre sa Bulawagang Tandang Sora ng CSWCD. Pasan ang kanilang mga Jansport, kumpul-kumpol silang nagi-inglesan at nagpi-picturan habang hinihintay magpapasok sa auditoryum. Ang pasilyo ng 3rd floor ng CSWCD ay nagmistulang sidewalk sa labas ng DAR sa rami ng mga poster na pang-protesta. “Palayain ang mga bilanggong pulitikal”, “Lupa Hindi Bala” at “Edukasyon Para Sa Lahat” ang mga nakasulat dito; mga adhikaing isinusulong ng mga grupong makabayan na kinabibilangan ng Sinagbayan – ang tagapagtanghal ng “Pitong Sundang”.

IMG_1552

Ang ilaw mula sa backdrop ng entablado lamang ang nagbigay liwanag sa auditoryum na puno ng mga nagkukulitang estudyante, propesor at magulang ng mga performers. Nagsimula ang palabas sa pagtatanghal ng “Huling Kaingin” ni Ericson Acosta na isang manunulat at bilanggong pulitikal. Nilapatan ng nakakatindig-balahibong tunog at musika ang madamdaming pagbigkas ng mga tulang tungkol sa sitwasyong kinakaharap ng mga magsasaka, katutubo at karaniwang tao.

IMG_1583

Ang “Pitong Sundang” ay hango sa mga tula ng “pakikibaka”. Inilalahad ng mga tula ang iba’t ibang problema ng lipunan sa pananaw ng mga “inaapi”. Punong-puno ng mga pinaghalong ekspresyon ng takot, galit at tapang ang mukha ng mga mananayaw. Sa pamamagitan ng mga galaw at simbolismo, nailarawan nila ang mga dinaranas ng malaking sekta ng lipunan na walang boses at ‘di gaanong pinagtutuunan ng pansin. Bakas sa mukha ng mga manunuod na tagos sa laman ang kanilang nakikita. Naipahayag ng mga artista ang kanilang mensahe sa pamamagitan ng sining na nanggigising sa kamalayan ng mga nanunuod. Isa sa mga tula ay ang “Sipat”:

“Sinisikap nating maya’t maya ay sipatin

kung gaano pa katuwid, pantay at pasulong

ang talim at gulugod ng ating mga sundang.

Itinutok ko ito sa langit isang araw

at tulad ng manunudla ng kalaw o pipit

akin ngang ipinikit ang kaliwa kong mata.

At sa aking asinta ay mayroong tumawid:

mandi’y tutubi— dambuhala at de-makina.

Milyong sundang ang tinunaw nang ito’y hinulma,

sabi ng tao, at ang tae nito ay apoy.” (SIpat, Ericson Acosta)

IMG_1562

Masasabing naging matagumpay ang pagtatanghal ng Pitong Sundang dahil napuno ang lugar at kinailangan pa nilang itigil ang pagbebenta ng tiket dahil nagkaubusan na ng upuan. Matagumpay rin ito dahil maayos na naisagawa ng mga mananayaw ang kanilang mga galaw at blockings; maayos din at klaro ang sound system. Ngunit sa mga makabayang grupo gaya ng Sinagbayan, hindi ang pagtatanghal ng magandang palabas ang batayan ng tagumpay, kung hindi ang mabisang paggamit ng sining upang maisulong ang kultura ng bayan sa isang nagi-inglesang manonood na lulong sa Youtube at Hollywood.

Ang pagtatanghal ng “Pitong Sundang” ay isang tagumpay sa pagpapamalas at panggigising ng nasyonalismo at damdaming makabayan sa mga manunuod nito. -Mae Valdez

Advertisements

About aitsalimbay

The official newsletter of the UP Asian Institute of Tourism.

Discussion

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: