you're reading...
Mae Valdez, Poetry

Simpleng Tao


By Mae Valdez

May spotlight man sa rampahan
mas bet ko sa lansangan
kung san walang mas titindi pa sa tirik ng araw
Hindi rin spraynet o hair mousse ang gamit ko
para magkaron ng volume ang aking buhok
mas magandang pinatuyo
ng hangin sa jeep at alikabok
pag umulan, bongga, wet look!
Iwan na natin ang pagka-postura
sa DP ng ating mga Facebook.
hindi tayo mga artista
Ba’t nga ba puro mukha lang ang pinapaganda?
bakit ‘di ang kalooban?
Ba’t nga ba sa carbs lang nagda-diet?
Ba’t ‘di sa inis at galit?
o ‘di kaya’y sa stress na nakakapangit
upang makatipid ng pang-gupit?
At bakit kailangan ng maraming sapatos?
‘di ba sapat na ang isang pares?
‘di naman tayo mga Octopus..
Ilang bag ba ang kayang ibitbit?
Pag marami nama’y nabubulok lang sa cabinet…

Make-up ay hindi nakaka-glamorosa
isa itong maskara
na masayang suotin pag may okasyon
ngunit ‘di kailangan sa lahat ng pagkakataon.
simple lang ang mabuhay
hindi cutex ang magbibigay dito ng kulay
ito ay ang malayang pagharap
sa bawat araw ng walang pagpapanggap.

Advertisements

About aitsalimbay

The official newsletter of the UP Asian Institute of Tourism.

Discussion

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: