you're reading...
Campus, Rachel Tabilin

How safe is UPD?


With the incident in the USC Office in Vinzons Hall last February 1 and other felonies occurring in the University, we begin to ask just how safe (or otherwise) really is UP Diliman? Rachel Tabilin asked the following people about their views on safety and security around campus.

Culture Shocked

“Pero naayos din naman towards the end. So after that naman, they’re looking for ways to strengthen it back, pero as of now, hindi ko pa rin ma-feel.”

“’Cause I’m a freshie lang, hindi ko naman in-expect na ganito pala ka-lenient, as in we’re free pala dito sa UP. Na-shock din ako kasi compared before sa high school, super intense nung security. So kapag nakakarinig ako ng mga incidents na ganyan, nagugulat ako. Dun naman sa security nung nangyari yung robbery, feel ko may days naman na maayos yung security ta’s may days na hindi, eh yung day na yun lang nasakto na hinde. Pero naayos din naman towards the end. So after that naman, they’re looking for ways to strengthen it back, pero as of now, hindi ko pa rin ma-feel.

Pero ‘yung mga incidents naman na ganoon, hindi lang dito nangyayari, mero din outside UP. So nung nalaman ng parents ko, ‘yung sinabi lang naman nila sa’kin is always be careful. Nag-worry din sila kasi everyday tayong nandito kahit weekends, so self-protection na lang din siguro.”

Sarah Esguerra

1st year, BS FLCD

 

Alleged Budget Cut

“Eh noong dating buo pa ‘yung dami nung security guards, nagkakaroon pa rin ng mga kaganapang hindi maganda…Lalo na kapag binawasan yung security, siguro mas mag-e-escalate yung incidence ng mga ito.”

“Medyo poor ‘yung management in terms of security, dapat mas mataas ‘yung security, kasi itong ‘public university’ na ito  ay kinalulugaran ng mga estudyante. Kahit public place itong UP, dapat controlled ‘yung mga taong pumapasok kasi ‘yung safety ng mga estudyante medyo naaargabyado. So medyo hindi maganda ‘yung management kasi ang balita ko, nagbawas sila ng number ng security guards. Nag-cut down siguro, let’s say, 30% ‘yung binawas nila na hindi ko manintindihan kung bakit. Eh noong dating buo pa ‘yung dami nung security guards around UP, nagkakaroon pa rin ng mga kaganapang hindi maganda na napapahamak yung mga estudyante, tapos may pagnanakaw na nangyayari. Lalo na kapag binawasan yung security, siguro mas mag-e-escalate yung incidence ng mga ito.

So medyo nakakatakot kasi ‘yung safety ng mga tao, medyo naapektuhan. Lalo na tayo, UP Pep Squad, late training hours tayo dahil may mga events tayo kung saan kailangan nating magperform, na kailangan ng long hours of training. Kung may nangyayaring pagnanakaw ng mga alas tres ng hapon, hindi malayong may mangyari ng alas ocho ng gabi dahil mas madilim. Mahirap nang mag-adjust ng schedule dahil hindi naman natin  maadjust yung oras ng klase. So sana magawan ‘yan ng paraan.”

NJ Antonio

Assistant Coach, UP Varsity Pep Squad

“Parang ang saklap naman nun, gabi-gabi para tayong mukhang ewan na umuwi tapos kapag nakakita ka lang ng maraming tao sa gilid, paranoid ka agad, ‘di ba”

“Bago pa nangyari yung incident sa Vinzons, marami nang incidents kung saan marami nang nanakawan o nasaktan around the Academic Oval. Tapos ngayon pa na nag-cut sila ng security, it’s a big deal talaga. Masasabi pa ba natin na it’s sensible for people to trust the security [system] of our university? The point is, bakit kailangang mag-cut ng security?

Sobrang nakakaapekto yung budget cut to the point na yung parents ang magsasabi sa’tin na we don’t trust UP anymore. Kasi most of us don’t have a car, we commute, syempre marami sa ‘tin [ang] magdadalawang isip sa pagte-training nowadays, lalo na ‘yung training natin [na] umaabot nang 12 midnight, sobrang late na tayo nakakauwi. Walang assurance doon, especially to us, mga estudyante, lagi tayong takot umuwi. Parang ang saklap naman nun, gabi-gabi para tayong mukhang ewan na umuwi tapos kapag nakakita ka lang ng maraming tao sa gilid, paranoid ka agad, ‘di ba. ”

Zar Semsem

4th year, B Physical Education

 

Photo courtesy of diliman-diary.blogspot.com

Striking the Balance

“I have friends from other universities like Ateneo or La Salle and they suggest that we have to adopt what they’re doing. And they have a point; for example, you can’t just go to La Salle if you don’t have any business there.”

“The problem is this is no longer just a community for UP constituents. There has to be some way in which we can limit the entry of other people who are not really directly doing business with the University. So that is our biggest problem.

Unfortunately, that will affect on how open UP is, because we are traditionally open to a lot of people. People who are being persecuted or politically compromised will come here, things like that. But we have to balance all of those concerns. That will be the challenge, now how are we going to do that?

Of course, the first thing to do is to ensure the safety of our students, and that would mean more restriction for everyone on campus, like having all bags inspected. And students and staff and faculty would have to be more security conscious. If they see something suspicious, they have to immediately notify the appropriate authorities. Each college, department or institute has to be security conscious, and then we address the other problem of having more security present.

I have friends from other universities like Ateneo or La Salle and they suggest that we have to adopt what they’re doing. And they have a point; for example, you can’t just go to La Salle if you don’t have any business there. If you’re from UP and you’re going to see someone in La Salle, that person will have to notify their security office that you’re coming. So they suggest that we do something similar. But how would that affect the image of our university as an open place? So that’s another question we have to deal with.”

Benjamin Vallejo, PhD

Assistant Professor, College of Science

“…Hindi naman siya issue ng security personnel kasi meron naman eh. Lalo na nung insidente dun sa Vinzons, meron namang security guard. Pero ‘yung kung pano nila ginagampanan yung trabaho nila, doon may butas. Feeling ko, mas kailangang solusyunan ‘yun given limited resources.”

“Feeling ko yung security ng UP, kasi napakalaki niya ‘di ba, hindi siya consistent in every area or scale. For example, sa dorms, mas strikto kasi nakabantay talaga yung mga gwardiya sa pintuan, ganyan, hinihingan ng ID yung mga papasok, may log books. Well, kung ikukumpara mo yon sa ibang colleges, lalo na sa AIT palang, napakaluwag. Hindi talaga napapatupad ‘yung policy na, for example, “no ID, no entry”. Pero din naman colleges sa loob, strikto sila sa no ID, no entry. So maraming inconsistencies sa pagpapatupad ng mga policies regarding security.

Then, feeling ko kasi, hindi pa nasa-strike ‘yung balance between being a free university tsaka ‘yung pagme-maintain pa rin ng security. Alam ko maraming nakikipag-argue na lalo nung may mga colleges na nagpapatupad ng no ID, no entry parang ‘yung UP daw ay hindi na katulad ng dati na kahit sino, pwedeng pumasok. Sa tingin ko, kailangan ma-strike yung balance na bukas pa rin ang UP sa lahat, pero mas paigtingin ang security policy. Marami ding nagsasabi na yung mga ganitong pangyayari, ‘yung mga nakawan, etc, ay dulot ng kakulangan ng security personnel na ang ’cause daw ay kakulangan sa budget. Feeling ko, unang-una, hindi naman siya issue ng security personnel kasi meron naman eh. Lalo na nung insidente dun sa Vinzons, meron namang security guard. Pero ‘yung kung pano nila ginagampanan yung trabaho nila, doon may butas. Feeling ko, mas kailangang solusyunan ‘yun given limited resources.”

Juan Carlo Dañganan

Chairperson, AIT student Council

Advertisements

About aitsalimbay

The official newsletter of the UP Asian Institute of Tourism.

Discussion

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: