you're reading...
Nikki Nicolas, Student Stories

Naliligaw


Column | Nikki Nicolas

Ano nga bang kailangan para maging matagumpay?

Isa sa mga pinaka-inaabangan ng isang mag-aaral ay ang pagtatapos niya lalo na sa kolehiyo. Masarap isipin na malapit ka na sa tagumpay na inaasam-asam mo. Ngunit mahirap ding tukuyin kung anong landas talaga ang dapat tahakin, kung para kanino, para saan, at kung ano pang mga dapat na gawin at tahakin para makuha ito.

Nikki Nicolas

Ngayong malapit na akong matapos sa pag-aaral, sinusulit ko ang bawat oras at araw upang maging kapakipakinabang. Maaaring ito ay para sa character building lamang o pwede rin naman itong maging bagay na makakatulong sa aking paghahanap ng trabaho sa kinabukasan. Ano nga bang kailangan para maging matagumpay?

May nagtanong sakin na isang kaibigan kung anong sikreto ng aking mga napagtatagumpayan. Lagi kong sinasabing hard work at commitment lang ang kailangan. Hindi nagbabago ang sagot ko sa tuwing tinatanong ako nito, at proud pa ako!

Pero ngayon, napatigil at napaisip ako, ‘yung hard work at commitment na sinasabi ko ay walang silbi ‘pag sinagot ko sa harap ng mga magsasaka at manggagawa na hirap pa rin sa buhay sa kabila ng puspusang pagsisipag at dedikasyon sa trabaho. Hindi katanggap-tanggap. Ni hindi mo magagawang pataba ito sa lupa o panlangis sa makina, sa lupa at makina na hindi naman sa kanila kaya hindi talaga value-adding.

Bakit sa kabila ng pagiging masipag, dedikado at sa matinding pagsisikap nila, hanggang ngayo’y wala pa rin silang natatamasang masarap na buhay? Ano na?

Nakakahiya na ‘yung hard work at commitment ko, naliligaw na kung para saan at para kanino.

Advertisements

About aitsalimbay

The official newsletter of the UP Asian Institute of Tourism.

Discussion

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: